top of page
Modern Architecture

Reflection 2

Trinity Marie A. Espiritu

Day 6 (Tuesday) 

Remote today, nasa bahay lang ako pachill-chill. Yes! 'Di gagastos sa pamasahe at mag-gugugol ng 6 hours para bumyahe (papunta at pauwi).


In terms of work-related, ginagawa ko na yung 1st tasks ko which is to rank what's the best pond, module, cycle based on their performance. Doing this, I used yield/sqm, FCR, profit per kg, and z-score & consistency score as a performance metric. Dito ko na-analyze na hindi porket mataas ang benta = productive na yung ponds. Mahalaga rin ang stability at cost-efficiency.

Day 7 (Wednesday)

Since face to face onsite ang work ngayon, pinacheck at explain ko na sa supervisor ko yung gawa ko noong Monday.


Matapos nito, nagproceed na sa pagpeprepare ng data for my next tasks. In that part naglinis lang ako ng datasets na need and nagbrainstorm kung paano ko ito i-a-analyze. Ang task na ito ay pagfoforecast ng performance chart together with OPEX (operational expenses), and interest expense.

Day 8 (Thursday)

Nagkasakit yung supervisor ko, so, nakatunganga lang ako most of the day. Today ay nasa bahay lang pala ako.


So, tinuloy ko lang yung task ko kahapon and nagpatuloy lang sa ibang tasks which is yung pagtatalaga ng ranges ng FCR (feed conversion ratio). Kasabay nito ang pagreresearch ko sa shrimp at ano nga ba ang tamang FCR nong mga ito. Kahit na hindi ko ito tasks ay nag-a-analyze pa rin ako ng connection with FCR and survival rate.

Day 9 (Friday) 

Sa araw na ito, plano kong tapusin yung last 2 tasks ko, ngunit 'di ko pala kaya hehe. Ang tasks na ito ay sumasagot sa tanong na, “nakakaapekto ba ang panahon (months/season) sa kita ng farm?”
Makikita sa larawan sa baba ang sagot hehe.

Ito ang pinakahighlight ko sa week na ito dahil enjoyable 'yung process at nalaman ko rin at narealize na yung gawain na yan ay same lang nang ginagawa ng mga "actuarial", ayon sa naka-usap ko na actuary sa ibang company.


Lastly, during this day ay may bago akong nakachika na office worker doon hehe. Kakatamad ikwento, siguro next time na lang hehe.

Day 10 (Monday)

Chill lang today, nagfinalize ng mga tasks and nagpa-analyze ulit per month naman ng ginawa ko noong Friday. So, to end this week. I thing I'll do some QnA hehe.

image reflection 2.png
A: 'Yung pag-standardize ng data — iba-iba ang units (per pond vs per month), may kulang na data, at may negative profits pa minsan. Pero natuto ako gumawa ng mga workaround gamit ang Excel formulas.

A: Super. Nakaka-proud kasi kahit intern lang ako, parang nasa loob na rin ako ng system na tumutulong magdesisyon kung sino ang may best performance, saan ifofocus ang efforts, at paano mas mapa-improve pa ang operations.

A: 'Yung mga libre sa akin ng supervisor at boss ng kumpanya eme. A: Data tells a story. Dati akala ko numbers lang 'yan, pero ngayon alam ko na—bawat column at cell ay may kwento — ng shrimp, ng worker, at ng season. Sobrang daming insights na pwedeng mahugot basta alam mo pano magbasa ng data.

Colorful Natural Food Recipes Journal  A4_edited.jpg

Output

bottom of page